HOW TO START EARNING WHILE PLAYING AXIE - Dan Bascon | Public Schools

HOW TO START EARNING WHILE PLAYING AXIE - Dan Bascon



Ang Axie Infinity ay isang laro kung saan ay maaaring kumita sa paglalaro lamang gamit ang mga Axie.

Kailangan ng tatlong Axie pets bago magsimulang maglaro, bawat isang Axie ay may katumbas na halaga na makikita sa Axie Marketplace na naglalaro sa presyong 6,000 pesos hanggang 50 million pesos bawat isa.



Kumikita sa paglalaro sa pamamagitan ng pag laban sa Arena at Adventure para kumolekta ng Small Love Potion, ang Small Love Potion (SLP) ang ibinebenta sa exchange na may katumbas na halaga per potion na makikita dito Small Love Potion price (SLP) at ito ay pabago-bago. Ang posibleng makuha sa isang araw na paglalaro ay 150 SLP, 100 SLP sa Adventure at 50 SLP sa quest na kailangang matapos ang limang panalo sa Arena kalaban ang iba pang players. 



ARENA


ADVENTURE

Para bigyan ka ng halimbawa kung magkano ang kikitaan, eto ang simpleng math base sa presyo ng SLP sa oras na ito;

1 SLP = 2.80 pesos

150 SLP per Day = 420 pesos

150 x 30 days = 4500 SLP

4500 SLP/month = 12,600 pesos per month


Ano-ano ang kailangan para magsimulang mag-laro ng Axie?

- Puhunan o Capital

- Internet Connection

- Cellphone / Desktop

- Trust App & Ethereum Wallet = Ito ang gagamitin para bumili at ilagay ang Axie mo at SLP na kikitain mo.

- Binance Exchange Account = Dito ibebenta/iko-convert ang SLP na nakolekta mo.

- Coins.ph Account = Dito ipapasa ang converted na SLP mo at ika-cash-out ang pera mo.


Paano magsimula maglaro ng Axie?

Puhunan o Capital

Dahil bawat Axie ay may katumbas na presyo sa marketplace kailangan mong bumili ng tatlo nito upang magsimulang maglaro.

Sa iyong Cellphone idownload ang Trust App Wallet upang gumawa ng Ethereum Wallet panoorin ang video na ito at sundan ng mabuti, Siguraduhing isulat ang bawat email at password na gagamitin sa Axie at Trust App Wallet;

Trust Wallet: Axie Account Tutorial


Maging maingat sa pag-gawa ng Ethereum Wallet sa Trust App Wallet, siguraduhing isulat ang mga impormasyon, password etc. dahil maaaring mawala at masayang ang pera mo.

Ngayong meron ka ng account sa Axie at Ethereum Wallet Trust App, maari mo ng idownload ang laro. Bisitahin at hanapin ang 'Play Now' button: Axie Infinity at piliin ang iyong device at automatic itong magda-download,




pagkatapos ay iinstall ang Axie Infinity na iyong dinownload.


Maari mo ng ilog in ang iyong account sa Axie Infinity sa iyong cellphone.


Kailangan na lamang pumili at bumili ng tatlong Axie sa Axie Marketplace upang makapag-simulang maglaro at kumita. Ang mga Axie na nasa Marketplace ay mga Axie na galing sa players na katulad mo, at sakanila napupunta ang pera na ibinayad mo, ibig-sabihin ay ang Axie na bibilhin mo ay may katumbas din na halaga, na pwede mong ilagay sa Marketplace upang ibenta.


I-message mo nalang ako sa Facebook Dan Bascon kung handa ka na talagang maglaro at kumita pag may account ka na :D Dm me for question if naguguluhan.


PS. Learn it, do it, it'll be worth it.


Pag kumikita na una mong binili, gamitin mo para ibili pa ng 3 Axie, para mas kumita ka ng malaki :D